The best feeling of happiness..

Kaibigan

isa sa pinaka importanteng component sa buhay natin. Kumbaga sa pinakbet, sila ‘yung bagoong, hindi mo malalasahan at mae-enjoy ang buhay ‘pag wala sila. ‘Yung mga taong nandyan kapag may problema ka lalo na kapag walang lakas na loob para sabihin sa mga magulang mo. Mga taong kahit may pagkukulang ka at may pagkukulang sila, tanggap ka nila at tanggap mo sila.

John Michael - mga kaibigang nanJOHN lang pag MICHAELangan. USER. Mga kaibigang sobrang tagal nang hindi nagpaparamdam sayo tapos bigla-bigla nalang susulpot, pag nakuha na nila ‘yung gusto nila sa’yo, kung gano sila biglaang sumulpot ganon ‘din sila biglaang mawawala.

Silent Friends - *insert cricket sound* tipong ‘di mo alam na nandyan pala sila.

Einstein-like Friends - kahit recess o lunch may mga dalang libro, calculator, dictionary, kulang nalang dalhin nila ‘yung bag nila pero masaya magkaron ng kaibigang matatalino. Kapag hindi mo maintindihan ‘yung mga lessons, libre tanong, libre tutor. Tatanungin mo ng 'Pano 'to?' 'Ganito ba?' 'Imu-multiply ba?', pero sa huli ang itatanong mo rin 'anong sagot?'.

Good Friends - ‘yung mga kaibigang ang bait niyo sa isa’t isa. Minsan nga hindi mo mapakita sa kanila ‘yung mga kalokohan mo kasi baka hindi nila trip ‘yung trip mo. ‘Yung tipong nasa isang table kayo tapos may isang chocolate nalang na nasa gitna at sabay pa kayong nakahawak ‘dun pero sasabihin niya 'sayo nalang', ikaw namang pa-humble sasabihin mo 'hindi, ok lang sayo na' pero pipilitin parin niya kahit gusto rin naman niya at sasabihin 'hindi, sayo nalang'. Sa hinaba-haba ng trip to jerusalem niyong dalawa, ang ending, either ikaw o siya ang nag-surrender, iiwan niyo ang katagang 'sige na nga'.

True Friends - 3 words to describe them: masaya, masarap at mahirap.

Masaya kasi sa lahat ng kalokohan kadamay mo sila. Partner’s in Crime ba. ‘Yung humor nila humor mo din. Trip nila, trip mo. Walang hiya-hiya. ‘Yung tipong ganto..

Ikaw: Uy. sandali lang ha, tumatawag Mommy ko.

(Habang kausap mo ‘yung nanay mo.)

Friend (Boy) 1: *imitate girl’s voice* Mmm. Babe, sino yan? Bilisan mo naman.

Friend 2: Hon, halika na. Matagal ka pa ba dyan sa phone?

hindi mo alam kung matatawa ka ba o maiinis.

Masarap, hindi ‘yung literal na masarap. Masarap kasi napapakita mo kung ano ‘yung totoong ikaw. Hindi kayo natatakot o nahihiya na maging prangka sa isa’t isa. No hard feelings. Timplado ka na nila. Alam nila kung pano ka patawanin at pasayahin. Alam rin nila ‘yung kahinaan mo. Sa isang tingin lang nila sa’yo alam na nila na may problema ka at lahat gagawin nila para mabalik ‘yung ngiti mo. Bibigyan ka nila ng advice kahit ‘yung iba puro ka-gag*hang payo lang pero kahit ganun gumagaan ang loob mo at alam mong may makakaramay ka sa lahat ng pagdaanan mo.

Mahirap. Mahirap yumakap ng taong alam mong bibitaw rin sa huli. Mahirap kasi kahit anong mangyari, dadating at dadating ‘yung panahong magkakahiwa-hiwalay kayo pero habang hindi pa nangyayari ‘yon, Just seize and cherish every moment you have with them kasi walang permanenteng bagay sa mundo.

(Source: stephsilog)

Minsan sa buhay natin meron talagang mga taong mamaliitin ka sa kakayanan mo. Pinaparamdam sa’yo na ‘di ka karapat dapat sa pwesto kung nasaan ka. Ipinapamukha halos sa buong klase na wala kang kwenta o simpleng bobo ka sa kadahilanang kasama ka sa mga matatalinong mag-aaral. Pero ano bang dapat gawin? Magpapa-apekto? O ipapakita sa kanya na mali siya? Pero kung tutuusin, magpapasalamat na rin ako sa taong sadyang walang bilib sa kakayanan ko, sa paraang ‘yon mapapakita ko na mali siya sa paniniwala niya. Isang malaking sampal sa kanya ‘yun pag nagkataon.

(Source: stephsilog)

Rooftop Prince E01

it’s not you, it’s me

(Source: stephsilog)

Mahirap mag move-on..

lalo na kung isa lang ang nag-mahal.

(Source: stephsilog)

Change..

= Pagbabago. Ayoko talaga ng pagbabago. Parang sa isang iglap, mawawala kaagad dahil sa pagbabago. Siguro isa sa pinaka ayaw kong ugali, ‘yung pag nasanay na ako sa isang bagay, ‘yun na ‘yun. wala ng bago-bago. Ang hirap kasi sakin ang hirap-hirap kong makapag-moveon sa lahat ng aspeto ng buhay. Pero parte yun. Ang kailangan ko lang e tanggapin. ‘Pag ‘di ko tinanggap, well, good luck sakin. Masasanay ako sa sistemang ‘to. Hindi umuusad.

(Source: stephsilog)

Start Over Again.

Blogger since March 2010. Renewed blog. Bagong theme, bagong blog. Bago lahat.

(Source: stephsilog)